-- Advertisements --

Kinapos si Stephen Curry na masungkit ang titulo bilang all-time 3-point record holder matapos maipasok ang limang 3-point shots.

Gayunman nanaig pa rin ang Golden State Warriors nang magtala si Curry ng 26 points laban sa Indiana Pacers, 102-100.

Ito ay sa kabila na todo bantay ang ginawa ng Pacers kay Curry sa three-point areas.

Sinasabing dalawang three points na lang ang kailangan ni Curry upang malampasan ang record na hawak ng retired NBA player na si Ray Allen.

Posible umanong maabot na rin ito ni Curry sa mas engrandeng venue sa Miyerkules sa Madison Square Garden.

Batay sa record, hawak ni Allen ang 2,973 three points sa loob ng 18-year career.

Samantala, napatibay naman ng Warriors ang kanilang pagiging top team ngayon sa liga na may 22-5 record habang ang Pacers ay may kartada na 12-17.