Muling nakaranas nang injury ang two-time MVP na si Stephen Curry sa kanyang pagbabalik mula sa anim na games na hindi siya nakalaro.
Sa kabila nito, nagawa pa ring makaalpas ng Golden State Warriors sa Atlanta Hawks, 106-94.
Naging malaking tulong din sa opensa ng defending champion si Nick Young na may 24 points at anim na 3-pointers.
Kung maaalala ang pansamantalang pagkawala sa team ni Curry ay dahil sa injury sa kanyang kanang bukong-bukong.
Sa pagkakataong ito ang kanya namang kaliwang paa ang na-sprain lalo na ang tinatawag na medical collateral ligament.
Namilipit si Steph sa third quarter nang bumagsak sa kanya si JaVale McGee at tamaan ang kanyang kaliwang paa.
Bukas sasailalim ito sa MRI upang masiguro ang kanyang kalusugan.
Sa ngayon nagpapagaling din mula sa kani-kanilang injury ang tatlo pang All-Stars ng Warriors na sina Kevin Durant, Draymond Green at Klay Thompson.
Labis naman ang pagkadismaya ni head coach Steve Kerr sa pangyayari lalo na at kritikal na ang mga susunod na linggo dahil sa playoffs.
Sa Lunes haharapin ng Warriors ang Utah Jazz.
Samantala mabigat naman ang susuungin ng Hawks sa kamay ng Rockets sa araw ding ‘yon.