Inanunsyo ng Golden State Warriors na dinapuan ng “seasonal flu” si NBA star Stephen Curry.
Pahayag ito ng team dalawang araw makaraang bumalik si Curry sa hardcourt matapos ang 58-game absence.
Agad namang nilinaw ni Warriors team physician Dr. Robert Nied na hindi tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) ang Warriors superstar.
“We have identified his probable source contact who is not part of basketball operations. He has no specific risk factors for COVID-19. He has the seasonal flu. We have begun treatment for Stephen and instituted our team protocol for influenza exposure,” wika ni Nied.
Malabo pa sa ngayon kung kailan makapagpapagaling si Curry at makakabalik para sa Golden State.
Sa kasalukuyan, 19 na laro na lamang ang nalalabi para sa Warriors ngayong season.