-- Advertisements --

Nagpakawala ng 23 points ang nagbabalik na si Stephen Curry para sa Golden State, ngunit hindi ito naging sapat makaraang magapi ng Toronto Raptors ang Warriors 121-113.

Agad na sinalubong ng hiyawan at palakpakan sa paglabas nito sa tunnel si Curry, na hindi muna naglaro ng 58 laro dahil sa injury.

Nagmintis man ang unang dalawang tira ni Curry, nagtapos naman itong may pitong assists sa loob ng 26 minuto.

Sa unang bahagi lamang ng second quarter nakapagtala ng puntos ang two-time MVP, at nasundan ng 3-pointer dahilan para maghiwayan ang mga manonood.

Nagtapos na may 3 of 11 si Curry mula sa 3-point range.

Si Norman Powell na nagpakawala ng career-high na 37 points ang siyang bumida sa Toronto, na nakasungkit na rin ng puwesto sa playoffs.

Nagdagdag ng 26 points at 10 assists si Kyle Lowry, samantalang may 13 points at 13 rebounds si Serge Ibaka.