-- Advertisements --
Nagtala ng record sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry.
Siya kasi ngayon ang oldest player sa kasaysayan ng NBA na mayroong average na 30 points sa unang 10 laro ng season.
Naitala nito sa pagkatalo ng Warriors kontra Cleveland Cavaliers 118-110 sa Chase Center.
Sa kaniyang 15 taon sa NBA ay naglalaro ito ng 32.1 minuto kada laro at mayroong 49.5 shooting percentage.
Nananatili rin ang average nito na 4.6 rebounds at 4.0 assists ngayong season.