-- Advertisements --

Pumayag si Stephe Curry na magkaroon ng isang taon na extension ng kaniyang kontrata sa Golden State Warriors.

Ayon sa koponan na ang nasabing contract extension ay nagkakahalaga ng $62.8 milyon ng hanggang 2026-2027.

Ang 36-anyos kasi na si Curry ay mayroong pang dalawang taon na natitira sa kaniyang apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $215.4 milyon na pinirmahan noong Agosto 2021.

Base kasi sa “over-38 rule” ng NBA collective bargaining agreement na maari lamang siyang magkaroon ng one-year extension dahil magiging 38-anyos na ito kapag natapos ang kontrata nito sa Marso 14, 2026.

Ang 10-time All-Star, four-time NBA Champion at two-time scoring na si Curry ay may 26.4 points averager, 5.1 assist at 4.5 rebounds.