-- Advertisements --

Pumirma ng panibagong $215 milyon supermax extension si Stephen Curry para manatili sa Golden State Warriors.

Mayroon pa kasing isang season na natitira sa koponan ang 33-anyos na si Curry.

Noong nakaraang limang taon ay mayroong $201-M ang pinirmahan nitong kontrata.

Dahil sa contract extension ay mananatili ito sa koponan ng hanggang 2025-26.

Ikinatuwa naman ni Warriors general manager Bob Myers na naging malaking tulong si Curry sa koponan at kumpiyansa itong makakuha ng kampeonato.