-- Advertisements --
Positibo si Golden State Warriors star Stephen Curry na makakapaglaro na itong muli sa Marso 1 na kanyang orihinal na target.
Sa nasaing araw kasi ay haharapin ng Warriors ang bibisitang Washington Wizards.
“It’s always been March 1,” wika ni Curry nang matanong kung kailan nito nais na makabalik sa court.
Una rito, sinabi ni Warriors head coach Steve Kerr na hindi nila kailanman kinonsidera na pagpahingahin muna si Curry ngayong season.
Inihayag ni Kerr na karapat-dapat lamang na mapanood muli ng mga fans ang two-time MVP ngayong taon.
Matatandaang nagpahinga muna si Curry matapos magtamo ng injury sa kamay noong Oktubre.