-- Advertisements --
Tinalo ni Golden State Warriors star Stephen Curry sa three-point shooting game si WNBA star Sabrina Ionescu.
Sa kauna-unahang NBA vs WNBA three point shoot out na bahagi pa rin ng NBA All-Star Weekend ay nakapagtala ng 29 three points si Curry habang mayroong 26 three points lamang ang naipasok ni Ionescu.
Naitabla ni Ionescu ang 26 three points na nagawa noon ni Damian Lillard.
Si Curry ay two-time winner ng NBA three-point contest kung saan siya ang may hawak ng record sa dami ng mgat three-points na naisagawa.