-- Advertisements --
portland blazers
Portland Trail Blazers photo from @trailblazers

Maitatala sa kasaysayan ng NBA ang unang paghaharap sa Western Conference finals ng magkapatid sa magkahiwalay na team.

Ito ay makaraang mamayani ang Portland Trail Blazers sa Game 7 laban sa karibal na Denver Nuggets, 100-96.

Ayon sa ilang mga observers magsisilbing sidelight sa championship ang Curry family affair.

Makakaharap kasi ni Seth Curry ang kapatid na si Stephen Curry sa simula ng sariling serye ng Trail Blazers at Golden State Warriors sa Miyerkules na magaganap sa Oakland, California.

Nanguna sa comeback ng Blazers si CJ McCollum gamit ang 37 points at nine rebounds.

Sa second quarter kasi ay nagawang mahabol ng Blazers ang 39-22 deficit.

Sinamantala pa ng Blazers ang medyo inalat na performance ni Damian Lillard.

Nagposte lang kasi sa 3-for-17 shooting si Lillard.