-- Advertisements --

Nagtala nang come-from-behind win ang Golden State Warriors upang gulatin ang Los Angeles Lakers, 121-114 sa pagbubukas ng bagong season ng NBA.

Dinala ni Stephen Curry ang Warriors gamit ang triple double performance na may 21 points, 10 rebounds at 10 assists upang makarekober ang team at magtala ng unang panalo.

Mula naman sa nabigong Lakers bumandera si LeBron James na may 34 points at 11 rebounds, habang si Anthony Davis ay nagpakita ng 30 points at 11 rebounds.

Ang debut game ni Russell Westbrook ay nagdala sa kanya sa kakarampot na walaong puntos mula sa 13 pagtatangka.