-- Advertisements --
Cusi Duterte Pacquiao PDP

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na naghain ng petisyon ang PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi para hilinging ideklarang illegal representatives ng partido sina Senators Manny Pacquiao at Aquilipino “Koko” Pimentel III.

Sa mensahe ni Jimenez sa mga reporters, sinabi nitong si PDP-Laban Cusi faction secretary general Melvin Matibag ang nagpaabot sa kanilang naghain ng kaso ang partido laban sa grupo ng dalawang senador dahil sa iligal at pagkukunwari umanong representatives ng kanilang partido.

Pero sinabi ng Comelec spokesperson na nasa Comelec na ang isyu at sila ang magpapasya rito kaya hiniling nitong huwag nang pag-usapan ang isyu bilang respeto raw sa komisyon.

Una rito, pinatalsik ng Pacquiao faction si Cusi at Matibag sa naturang partido ilang araw lamang nang tanggalik ng Cusi faction si Pacquiao bilang party president.

Habang nagkakaroon ng girian ang partiko, ibinunyag naman ni Cusi na pinutol na raw ni Pacquiao ang kanyang ugnayan sa PDP-Laban wing.

Noong nakaraang mga linggo rin ay pinatalsik ng Pacquiao faction si Pangulong Rodrigo Duterte bilang party chairman at pinalitan siya ni Pimentel.