-- Advertisements --

Nananatili pa ring nakatiwalag si Energy Secretary Alfonso Cusi kahit na naitalaga itong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban).

Sinabi Senator Aquilino “Koko” Pimentel, na patuloy pa ring nakatiwalag si Cusi sa mata mismo ng national headquaraters ng partido.

Nanindigan pa rin ang senador na ang paghalal ng bagong party officials ay hindi otorisado at hindi naapektuhan ang PDP-Laban structure.

Naunang tinanggal sa puwesto si Cusi bilang vice chairman at si Melvin Matibag bilang deputy secretary-general dahil sa paglabag sa konstitusyon ng partido.