ILOILO CITY – Mariing tinututulan ng mga ospisyal ng opposition na Liberal Party ang petisyon ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi na buksan muli ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa May 9, 2022 elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senate Minority Leader Franklin Driloin, vice-chairman ng Liberal Party, sinabi nito na mapanganib at walang basehan ang petisyon ni Cusi.
Anya, hindi dapat masakripisyo ang halalan sa kabiguan ng ruling party na pumili ng kanilang presidential candidate.
Nanawagan rin si Drilon sa Commission on Elections (COMELEC) na agad na ibasura ang petisyon ni Cusi upang hindi malagay sa panganib ang halalan sa bansa.
Naniniwala naman ang senador na ang nasabing hakbang ay upang itulak ang no-election scenario.
Napag-alaman na nagtapos na ang COC filing noong Oktubre 8, 2021.