-- Advertisements --

Tiniyak ng Cusi-led faction ng ruling PDP-Laban na walang anumang pagbabago sa plano ng partido.

Kasunod ito ng mga naganap na withdrawals at substitutions ng ilang mga kandidato nila.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang pangulo ng PDP-Laban na bago matapos ang taon ay magsasagawa sila ng national council meeting para pag-usapan ang mga pagbabago sa plano nila sa halalan.

Pagtitiyak nito na buo ang suporta pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang partido.

Magugunitang umatras sa pagtakbo bilang pangulo si Senator Ronald dela Rosa habang naghain ng kandidatura bilang pangulo si Senator Bong Go matapos bawiin ang kaniyang certificate of candidacy sa pagka-bise presidente.