-- Advertisements --
Sinentensiyahan ng Manila Regional Trial Court ng reclusion perpetua ang Customs broker na si Mark Taguba II at 3 kapwa akusado nito may kinalaman sa smuggling o pagpupuslit ng 602,270 kilo ng shabu mula China na nagkakahalaga ng P6.4 billion noong 2017.
Sa 89 na pahinang desisyon, napatunayan ng korte na guilty para sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act si Taguba kasama ang 3 pa na sina Eirene Mae Tatad, Fidel Dee at Dong Yi Shen, alias “Kenneth Dong.”
Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng P50 million para sa bawat bilang ng reklamo na nasa kabuuang P150 million.
Ayon kay Judge Alma Crispina Lacorte ng Manila RTC Branch 21, nananatiling at-large ang ibang mga akusado at nakatakda pa lamang basahan ng sakdal.