Inanunsiyo ng Bureau of Customs na nalagpasan nila ang revenue collection performance noong Abril 2024 nang higit P3.1-B.
Ayon sa kanilang preliminary reports, naka-kolekta umano ang kanilang ahensiya ng P80.882-B, mas mataas sa kanilang target na P77.6-B.
Dahil dito, tumaas din ang kanilang koleksiyon sa unang apat na buwan ng taong 2024. Nakapagtala sila ng mahigit P299-B na revenue kung saan mas mataas ng 3.86% sa target collection nila mula Enero hanggang Abril.
Ayon sa Customs, nakatulong dito ang kanialng heightened rate of assessment at mas pinahigpit na kampanya laban sa smuggling.
Sa isang pahayag, sinabi ni Commissioner Bienvenido Rubio na hindi lamang nila inaasam na maabot ang revenue targets, bagkus ay nais din umano nilang magkaroon ng socio-economic development initiatives na mabibigay ng positibong pagbabago sa mga Pilipino.