Inanunsyo ng Bureau of Customs (BOC) na maaari na ring makuha in-cash ng mga claimants ng tax refunds ang kanilang buwis mula sa dating sistema na tax credit certificate (TCC).
Ayon sa BOC, ito’y bunsod ng inilabas na Customs Administrative Order (CAO) 04-2019 ng tanggapan na nagpapadali sa panuntunan ng proseso.
Sa ilalim ng kautusan, pwede ng makuha ng claimants ang kanilang tax refund kahit wala ang presensya ng naturang certificate.
Sa dating proseso kasi, tanging refund mula sa value-added tax lang na may approval ng Bureau of Internal Revenue ang maaarin i-release sa pamamagitan ng outright cash.
Kung maaalala, bago bumaba si dating Pangulong Noynoy Aquino sa tungkulin nang lagdaan nito ang inamiyendahang Tarrif anf Customs Code na ngayon ay mas kilala na bilang Customs Modernization and Tarrif Act.
“With the advent of the CMTA and the issuance of this implementing CAO, claimants may now get their refunds thru the payment of outright cash,” ayon sa BOC.