CAGAYAN DE ORO CITY -Mabibigo lang umano ang mga personalidad na naglalayon na patalsikin ng kanyang puwesto si Bise-Presidente Sara Duterte.
Kaugnay ito sa layunin ng Kamara na alisin sa katungkulan si VP Sara sa pamamagitan ng impeachment complaint.
Sinabi ni Citizens Watch for Good Governance 10 convenor Atty. Antonio Soriano na bagamat magtagumpay na prosecute ng Kamara si VP Sara subalit pagdating sa Senado ay iba ang kahithitnan ng impeachment case nito.
Ito ay sapagkat kakaunti lang ng mga senador ang mayroong katulad na interes na palayasin sa tungkulin si Duterte.
Sinabi nito na kung ibabatay sa kasalukuyang bumubuo sa Senado ay mabigong makakuha ng 16 na boto o 2/3 votes ng mga senador dahil mas marami pa ang mga alyado ni Duterte kaysa administrasyon.
Magugunitang kung hindi magbabago ang political landscape ng Senado ay hindi bumaba sa 16 na senador ang posibleng mag-acquit kay VP Sara sa usaping impeachment case.