Inalala ng Church People-Workers Solidarity (CWS) ang mga biktima at martial law sa nalalapit na paggunita ng ika-50 anibersaryo ng Martial Law declaration sa Setyembre 21.
Ayon kay CWS chairperson Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos diocese, na dahil sa pagpapatupad ng militarismo ay nagdulot ito sa iliga na pag-aresto, pagkulong at pag-torture ng mga aktibista.
Tinuturing nilang isang brutal ang ginawang pagpatay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr sa ilang libong human rights defenders, labor leaders, mag-aaral at mga mag-sasaka.
Hindi rin nito maiwasang ikumpara ang kasalukuyang pang-yayari dahil sa patuloy ang nagaganap na red-tagging ganun din ang pang-aabuso, pananakot at iligal na pag-aresto sa mga mamamayan na sumasalungat sa gobyerno.