-- Advertisements --

Nakahandang gumastos ng $1.19 billion (P50 billlion) ang Autstralia sa susunod na 10 taon para lamang pagtibayin ang cyber defences ng mga pampribadong kumpanya bunsod ng dumadaming kaso ng cyber attacks.

Ayon kay Australian Prime Minster Scott Morrison, dahil umano sa mga cyber attacks na ito ay aabot ng halos $29 billion o 1.5 percent ng gross domestic product (GDP) ang nawawala sa bansa.

Ang naturang package na ito ay bagong gagastusan ng Australia ilang linggo lamang makaraang ianunsyo ng Canberra na nakahanda itong maglabas ng $1.35 billion sa loob ng 10 taon para pagandahin pa ang kakayahan ng chief cyber intelligence agency ng bansa.

Nangako naman si Morrison na ang dagdag pondong ito ay upang patatagin pa lalo ang defences ng mga critical infrastructure at palakasin pa ang hakbang na ginagawa ng mga ototridad sa mga kriminal.