Mariing isinusulong ngayon ng Department of Information and Communications Technology ang pagkatuto ng ‘cyber hygiene’ hindi lamang ng publiko kundi lalo na partikular sa mga kabataan.
Ito ay kanilang ititunutulak sa karamihan na matutunan upang mas maging maingat sa bawat transaksyon at ibang mga ginagawa online na pinangangambahang may dalang panganib sa isang indibidwal.
Iginiit mismo ni Secretary Ivan John Uy, ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na dapat malaman na kaagad ng isang bata kung papaano ingatan ang sarili sa oras na ito’y makagamit ng smartphone.
‘Pinupush natin is cyber hygiene, ano po yung cyber hygiene? Matuto tayo na maging mas maingat sa ating mga transactions online,’ pahayag ni Secretary Ivan John Uy ng Department of Information and Communications Technology.
‘Oras na ang isang bata may mobile phone, nakagamit ng mobile phone, naka-connect na ng internet, dapat yung edad na yan kailangan maturuan na ng cyber hygiene’ dagdag pa ni Secretary Ivan John Uy ng DICT.
Paliwanag pa ng kalihim ng naturang kagawaran, ang cyber hygiene ay hindi lamang technical skill kundi ito ay maituturing din na isang life skill na importanteng maituro sa kabataan.
Samantala, sa pagpasok naman ng unang araw sa panibagong buwan, muling nagbigay ng babala si Secretary Ivan John Uy ngayong love month.
Ito ay kasabay ng inaasahang pagdami pa sa mga maitatalang kaso ng love scams na mabibiktima ng mga manloloko.
Kaya naman, payo niya na mag-ingat ang publiko sa mga ginagawa nitong aktbidad sa online.