Aminado ang National Bureau of Investigation (NBI) na hirap silang gumawa ng aksiyon sa mga reklamong may kinalaman sa cyber libel.
Ayon kay NBI Cyber Crime Division Executive Officer for Administration Agent Michelle Valdez, sa tuwing may magrereklamo sa kanila ay matagal ang proseso nito na dadaan pa sa Department of Justice (DoJ).
Ang DoJ umano umano ang susulat sa mga social media flatforms kaugnay sa mga reklamo.
Pero pagdating daw ng kanilang sulat sa US based social media flatforms ay hindi naman ito aaksiyunan dahil prayoridad lamang nila ang mga reklamong may kinalaman sa terorismo, child abuse at mga high crimes.
Dahil dito, sa ngayon ay wala pa raw napapanagot dito sa bansa sa mga reklamong may kinalaman sa cyber libel.
Dagdag ni Valdez, aabot sa 10 reklamong may kaugnayan sa cyber libel ang kanilang natatanggap na reklamo araw-araw.