-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na tumaas ang cybercrime complaints na kanilang natanggap noong nakaraang taon.
Sinabi ni CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, na mayroong 10,004 na cybercrime complaints ang kanilang naitala noong nakaraang taon.
Ang nasabing bilang ay triple noong 2023 na mayroong 3,317 lamang.
Nakapagnakaw umano ang mga cybercriminals ng aabot sa mahigit P198 milyon noong nakaraang taon.
Kaya aniya tumaas ang bilang ng mga natanggap nila ng reklamo ay dahil sa pursigido na ang publiko sa paghahain ng reklamo.
Hinikayat niya ang publiko na kapag may mga reklamo o nabiktima ng cybercriminals ay tumawag lamang sa government hotline na 1326.