Tumaas ng 21.8% ang cybercrimes sa bansa sa unang quarter ng 2024 kumpara sa parehong panahon noong 2023, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos mula sa Anti-Cybercrime Group (ACG), sinabi ng PNP na ang pinakakaraniwang kaso ay ang online selling scam, credit card fraud at investment scam.
Maaaring maging sanhi ng pagtaas ng insidente ng cybercrimes ay ang pagtaas ng aktibidad sa online, mga sopistikadong taktika sa cybercrime at ang kawalan ng kamalayan ng publiko.
Kaugnay nito, sinabi ng ACG dadagdagan pa ng PNP ang mga checkpoint at pagpapatrolya habang ang “cyber cops” ay nakatutok sa mga krimen sa internet.
Sinabi naman ni PNP chief Gen. Rommel Marbil na papaigtingin pa ang kampanya laban sa cybercrimes sa pamamagitan ng paglalaan ng mas maraming resources ng pwersa ng kapulisan at pagpapahusay ng mga kakayahan upang labanan ang lumalaking banta ng mga cyber-related offenses.