Pinaalalahanan ng isang Pinay cyber security expert sa United Arab Emirates ang mga Overseas Filipino workers na maging maingat laban sa ibat-ibang uri ng scams na naglipana ngayon.
Ayon kay Irene Corpuz,cyber security expert , hindi dapat ilagak ng mga OFWs ang kanilang pinaghirapang pera sa ganitong uri ng mga scammers.
Aminado si Corpuz na sa panahon ngayon, ang mga scammer ay sophisticated at organized na pagdating sa paggawa ng ilegal na aktibidad.
Ito ang nagiging dahilan kung bakit marami parin sa mga OFWs ang nahuhulog sa modus ng mga ito.
Punto pa nito, ang pagiging hindi mapagmatyag ay kadalasang nabibiktima ng ganitong uri ng fraud.
Isa sa mga halimbawa ng scam activity na tinukoy ni Corpuz ay ang mga nag-aalok ng loan gamit ang social.
Kapalit nito ay humihingi ang mga scammer ng “processing fee” para sa loan application ng mga OFWs.
Ibig sabihin, kailangan muna nilang magpadala ng halaga ng pera para maibigay sa kanila ang perang uutangin o hihiramin.