-- Advertisements --

Anim na oras na lamang ang natitira sa Indian disaster management para ilikas ang milyun-milyong residente sa kani-kanilang bahay bago tumama sa India at Bangladesh ang super cyclone Amphan.

Inaasahan na magla-landfall ngayong araw ang Amphan malapit sa border ng dalawang bansa.

Aminado ang mga opisyal ng India at Bangladesh na nagiging mas mahirap ang ginagawa nilang paglilikas dahil sa coronavirus outbreak.

Kailangan kasi nilang panatilihin ang social distancing sa bawat isa upang hindi kumalat ang nakamamatay na virus. Namimigay din ang mga ito ng face masks sa bawat indibidwal.

Nagbabala naman ang mga meteorologists na isa ang Amphan sa pinaka-matinding bagyo na mararanasan ng mga rehiyon sa nakalipas na isang dekada.

May dala itong lakas ng hangin na aabot ng 185km/h na katumbas na rin ng category five hurricane.

Ikinakatakot naman ng mga opisyal sa Bangladesh na mas matindi ang hagupit ng nasabing bagyo kaya sa Cyclone Sidr na kumitil sa buhay ng halos 3,500 katao noong 2007.