-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng India at Bangladesh ang pagdating ng cyclone Amphan.

Nasa Category 4 Atlantic hurricane ito o super typhoon sa West Pacific ang nasabing bagyo.

May dalang lakas na hangin ito ng hanggang 240 kilometers per hour subalit ayon sa mga eksperto na hihina ito kapag tuluyan ng mag-landfall sa Miyerkules sa Ganges River Delta ang border ng India at Bangladesh.

Nagbabala ang mga otoridad na kahit humina na ito ay magdudulot pa rin ito ng matinding pagbaha sa nasabing mga lugar.