-- Advertisements --

Nag-landfall na ang cyclone Amphan malapit sa Sagar Island sa West Bengal sa India malapit sa Bangladeshi border.

Dakong ala-singko ng hapon oras sa India ng mag-lanfall ang bagyo na mayroong lakas na aabot sa 160 kilometers per hour.

Itinuturing ng US Joint Typhoon Warning Center na katumbas ito ng category 2 Atlantic hurricane.

Ang sentro ng bagyo ay nasa 80 km. timog bahagi ng Kolkata, West Bengal capital at ito ay lakas ng hangin ng hanggang 105kph.

Nagdulot ng malakas na pag-ulan at storm surge ng hanggang limang metro.

Inaasahan din ng mga eksperto na tuluyang hihina ang nasabing bagyo pagkatapos na ito ay magland-fall.