-- Advertisements --

Patay ang ang itinuturing na bilyonaryo ng Czech Republic matapos na bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Alaska.

Patungo sana sa skiing trip ang grupo nina Petr Kellner ng bumagsak ang helicopter nito sa mga nagyeyelong bundok.

Labis na nalungkot ang kumpanya nitong PPF Group sa pagkawala ni Kellner na ibinigay niya ang kaniyang buhay sa nasabing kumpanya.

Itinaguyod ng 56-anyos na si Kellner ang PPF noong 1991na tumulong sa ekonomiya ng Czech para maiwasan na mahulog sa komunismo.

Mayroong $15.7 bilyon ang net worth ni Kellner at tanging siya lamang indibidwal mula sa Czech Republic ang nakasama sa listahan ng 500 richest people Bloomberg Billionaires Index.