-- Advertisements --
Czech Adam Health
Czech Health Minister Adam Vojtěch

Biglang nag-resign sa kanyang puwesto si Czech Health Minister Adam Vojtěch.

Ito ang kinumpirma ng spokeswoman ng ministry.

Ayon kay Gabriela Štěpanyová nais ni Vojtěch na magkaroon ng sapat na panahon upang hanapan pa ng solusyon ang coronavirus epidemic.

Nilinaw pa ng opisyal, dahil sa labis na pagiging abala ng Health minister ay hindi nito natatapos ang dapat na gawin.

Nitong nakalipas na mga linggo lalo pang lomobo ang bilang mga COVID-19 cases sa kanilang bansa.

Dahil dito naghigpit na ang Czech sa paggamit ng face masks at mandato na rin sa lahat ng mga estudyante.

Ang paggamit ng face masks ay mandatory din sa lahat ng indoor public spaces kabilang na sa mga public transportations at mga shops.

Sa ngayon meron ng mahigit sa 49,000 ang mga COVID cases at mahigit naman sa 500 ang death toll sa naturang bansa.