-- Advertisements --
Pasok na quarterfinals ng FIBA World Cup ng Czech Republic.
Ito ay kahit na natalo sila sa Greece 84-77 sa second round ng torneo na ginanap sa Shenzhen Bay Sports Center.
Kailangan kasi ng Greece na manalo sa laban kontra Czech ng mahigit 12 points bago makapasok sa quarterfinals.
Mayroon 3-2 win-loss record ang Czech at Greece.
Dahil dito ay pasok na sa quarterfinals ang Czech na makakaharap ang Australia.
Maghaharap naman ang Spain at Poland habang makakasagupa ng USA ang France at Argentina ay makakaharap ng Serbia.