-- Advertisements --
Pinauwi ng Australian government si Czech tennis player Renata Voracova dahil sa problema sa kaniyang visa.
Ayon sa Czech Foreign Ministry na nagkaroon lamang ng aberya sa pagkakaroon niya ng COVID-19 vaccine exemption.
Kasama na ni Voracova si men’s world number 1 Novak Djokovic sa Australian immigration detention.
Hindi tulad ni Djokovic na kinuwestiyon ang pagkansela ng visa ay nagdesisyon si Voracova na umalis na lamang at bumalik sa kanilang bansa.