-- Advertisements --

Nagkampeon sa women’s Wimbledon si Barbora Krejčíková.

Tinalo ng Czech player si Jasmine Paolini ng Italy sa score na 6-2 2-6 6-4.

Ang nasabing panalo ay siyang unang Wimbledon title at pangalawang grand slam win ni Krejčíková.

Inialay ni Krejčíková ang dating coach at mentor nito na si Jana Novotna na nagwagi ng Wimbledon noong 1998 at namayapa dahil sa cancer noong 2017.

Dagdag pa nito na hindi ito makapaniwala na magwawagi ito sa nasabing torneo dahil itinuturing siyang underdog.