-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patuloy ang validation ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) sa Department of Agriculture (DA)-11 hinggil sa naging danyos sa tagtuyot sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao, inihayag ni Roy Pascua, tagapasalita ng DRRM ng DA-11, umabot na sa P231 milyon ang danyos sa tagtuyot at P161 milyon nito ang validated na.
Ngayong araw may isinagawang intervention ang DA-11 sa pamamagitan ng mga water pumps para sa mga natutuyong sakahan.
Nakahanda rin umano ang mga buto para sa susunod na planting season na kalagitnaan ng Abril hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.