-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hiniling ni Department of Agriculture (DA-12) Regional Executive Arlan Mangelen sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na bumalangkas ng mga ordinansa na paparusa sa mga retailer ng mga produktong pang agrikultura na lalabag sa suggested retail price o SRP.

Sinabi ito ni Mangelen na kanyang pangungunahan ang iba pang attached agency ng DA sa pag-iikot sa mga public market.

Ito ay upang alamin kung nasusunod ang price ceiling sa mga karne at chicken products.

Kaugnay nito, inihayag ni Mangelen na magpapalabas ito ng suggested retail price (SRP) sa lahat ng mga agricultural commodities.

Kalakip dito ayon kay Mangelen ang 192 per kilogram na ceiling price sa pork liempo at P146 sa buong manok.

Tiniyak din ni Mangelen ang regular na pagiikot ng mga taga agriculture Department sa mga public market ng SOCCKSARGEN.

Sinabi din ito na gagawin ng ahensya ang lahat para masiguro ang suplay ng pagkain at mapigilan ang pagtaas sa presyo ng mga ito.

Kasama ni Mangelen na nag-ikot sa merkado publiko ng Koronadal ang mga kinatawan mula sa Fertilizers and Pesticides Authority, National Meat Inspection Services, National Food Authority at Philippine Coconut Authority.