-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakatanggap ng banana seedlings mula sa Department of Agriculture o DA XII ang tinatayang nasa 30 magsasaka ng saging sa Pigcawayan, Cotabato.

Abot sa 10,000 Tissue-cultured Lacatan seedlings ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development o SAAD Program ng ahensiya.

Layon ng naturang programa na makatulong sa sektor ng agrikultura at pangingisda upang maiangat ang kanilang pamumuhay at madagdagan ang produksyon ng pagkain sa pamayanan.

Bawat isa ay nakatanggap ng 200 seedlings na maaari nilang mapagkakakitaan.

Maliban pa rito, nagbigyan din ng dagdag na kaalaman ang mga benepisyaryo sa pagtatanim nito at sa kung papaano makamit ang mas mataas na produksyon.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap mula sa DA XII.