CENTRAL MINDANAO-Lubos ang pasasalamat ng abot sa 826 na mga magsasaka ng bayan ng Kabacan Cotabato matapos na nagkaloob ang Department of Agriculture sa tulong ng Landbank at suporta ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ng aabot sa P5,000 na cash assistance.
Ayon kay Mun. Agriculturist Tessie Nidoy, ito na ang ikalawang batch sa bayan na tumanggap ng cash assistance mula sa Kagawaran ng Pagsasaka para sa mga magsasaka ng palay.
Hinikayat din nito ang ibang magsasaka na bisitahin ang tanggapan upang malaman ang paraan upang makalahok sa tulong ng kagawaran.
Kaugnay nito, nagpaabot din ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa Kagawaran.
Aniya, malaki ang maitutulong ng nasabing ayuda para sa mga magsasaka lalo pa’t madalas ang pagbuhos ng ulan.
Dagdag pa nito maraming programa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa mga magsasaka’t mangingisda kung kaya mainam na bisitahin ang nasabing tanggapan at hanapin si Maam Tessie Nidoy.
Nagpasalamat din si Mayor Guzman sa pamunuan ng Kabacan Pilot Central School sa pagbubukas ng pinto nito na maging venue sa nasabing aktibidad.
Samantala mula naman sa mga barangay ng Bangilan, Bannawag, Pisan, Malanduague, Nangaan, Pedtad, Dagupan, Sanggadong, Aringay, Salapungan, Katidtuan, Malamote, Upper Paatan, Osias, Cuyapon, Lower Paatan, Kilagasan, Poblacion, Kayaga, at Magatos ang tumanggap ng nasabing tulong-pinansyal.