CENTRAL MINDANAO- Namahagi ang opisina ng Agrikultura sa Probinsya ng mga corn seeds sa mga benepisyaryo ng Barangay Bangilan Kabacan Cotabato.
Nakatanggap ng tig 9 kilos corn seed para sa half hectare corn field ang 50 mga recepient nang calamity assistance.
Isa ang Brgy Bangilan sa apektado noong nakaraang kalamidad ng tagtuyot, kaya sila ang isa sa mga barangay na nakatanggap ng ayudang ito.
Sabay na rin ang distribution sa mga rice seed assistance, na galing sa opisina ng DA12, na aabot sa 56 na recepients ng rice seeds ang nakatanggap para sa barangay Bangilan. Ang PHILRICE ay namahagi din ng mga rice seed na aabot sa 300 sacks para sa 300 recepients para sa Bayan ng Kabacan, ang pamamahaging ito ay parti parin sa Rice Enhanvement Competitiveness Program ng PhilRice.
Pinangunahan ni BM Krista Pinol-Solis, Chairman on Committee on Agriculture, OPAG at ng BLGU ang pamamahagi ng mga Corn and Rice seeds.
Labis na pasasalamat ang pinaabot ng mga recepient kay Gov. Nancy Catamco sa tulong na pinaabot sa Barangay Bangilan Kabacan.