-- Advertisements --
hurricane dorian 2

Todo-depensa ngayon ang mga opisyal ng Bahamas hinggil sa kanilang ginawang pag-responde sa ilang parte ng isla matapos itong hagupitin ng Hurricane Dorian.

Ito’y matapos akusahan ng ilang residente ng Abaco Island ang kanilang gobyerno dahil sa umano’y palpak nitong sistema upang makapag-abot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng bagyo.

Itinanggi ng mga ito na itinatago nila ang tunay na bilang ng mga nasawi.

Batay sa huling impormasyon na inilabas ng United Nations, nasa 70,000 katao ang kasalukuyang nangangailangan ng bahty at makakain.

Nanalasa ang bagyong Dorian sa Bahamas na may category 5 at may dalang hangin na may lakas na 300 km/h (200mph) at malakas na buhos ng ulan.

Binalewala naman ni Health Minister Duane Sands ang mga alegasyong ito at sinabi na hindi tunay na prayoridad ang bilang ng mga patay.