-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi pa umano napapanahon na maideklarang malaya na sa African Swine Fever (ASF) virus ang Luzon.

Ito ay sa kabila ng pagtitiyak ni Agriculture Sec. William Dar na kontrolado na umano nila ang ASF sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa mensaheng ipinadala ni Dar sa Bombo Radyo Vigan, muli itong nanawagan sa publiko ng kooperasyon lalo na sa mga nag-aalaga ng baboy.

Kasabay ito ng patuloy na pagpapalakas ng kanilang mga quarantine checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para masigurong mapipigilan lamang sa iisang lugar ang mga suspected cases ng ASF.

Kung maaalala, nito lamang nakaraan ay kabilang ang Pilipinas sa listahan ng Taiwan ng mga bansang pinagbawal sa pagta-transport ng mga karneng baboy at iba pang pork products.

Sa kabuuan, ikawalo ang Pilipinas sa mga Asian countries na nakapagtala ng nabatid na sakit, kabilang na ang South Korea, China, Mongolia, Vietnam, Cambodia, North Korea, Laos, at Myanmar.