-- Advertisements --
Department of Agriculture 1 1

Pinag-uusapan na ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang pag-facilitate ng sharing ng electronic Phytosanitary Certificate (e-Phyto) kasama ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Inihayag ng DA, sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry, na ang hakbang ay bahagi ng pangako ng gobyerno ng Pilipinas sa ASEAN Single Window System kung saan ang mga member-countries ay maaaring makapagpapalitan ng elektronikong mga deklarasyon sa pag-export na inisyu ng kani-kanilang customs officials.

Bahagi ito ng pangako sa digitalization na sinang-ayunan ng mga bansang miyembro ng ASEAN : Brunei, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Pilipinas.

Inaasahang ipapalit ng Pilipinas ang e-Phyto certificates sa ASEAN gamit ang BOC Electronic Phytosanitary (e-Phyto) Management Portal, na may access sa e-Phyto certificates na inisyu ng DA-BPI, ang opisyal na National Plant Protection Organization (NPPO) ng bansa ), pati na rin ang mga inisyu ng kani-kanilang National Plant Protection Organization (NPPO) ng mga exporting countries.

Nagkasundo ang mga kinatawan mula sa DA-BPI, hBOC, Department of Finance (DOF), at United States Agency for International Development (USAID) – Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Policy Implementation (API) Project na isulong ang trade facilitation at palakasin ang relasyon ng dalawang ahensya ng gobyerno hinggil sa pag-import at exports ng mga halaman at plant products.

Ang United States Agency for International Development (USAID) ay nagpaabot naman ng kanilang technical support sa proyekto.