-- Advertisements --

Nagsanib pwersa ang Department of Agriculture at ang Department of Labor and Employment upang mapalawak pa ang mga KADIWA store ng Pangulo.

Magkasamang pinirmahan ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma ang isang memorandum of understanding .

Layon ng kasunduang ito na maibilang ang mga pangunahing programa sa Integrated Livelihood Program ng DOLE.

Napagkasunduan na ang DOLE ay may mandatong mag provide ng kaukulang manpower ng sa gayon ay dumami pa ang Kadiwa Center sa bansa.

Ayon kay Labor Sec. Laguesma, makatutulong ito para makapagbigay ng dagdag na trabaho para sa mga maraming Pilipino.

Aabot kase sa 1,500 ang plano ng gobyerno na itayong mga KADIWA STORES sa buong PILIPINAS.