Pinaigting pa lalo ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang pagbabantay sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamamagitan ng kanilang “Bantay Presyo Operations” sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR).
Ang mga naturang ahensya ay patuloy na naka-monitor sa galaw ng mga presyo ng mga basic commodities sa pamilihan upang matiyak na sumusunod sa mga nakatakdang presyo lalo na sa mga itinalagang maximim suggested retail price (MSRP’s) partikular na sa bigas at baboy, ang mga tindera sa mga pamilihan lalo na ngayong Holy Week.
Ang Bantay Presyo Ops ay binubuo ng mga opisyal mula sa DA, DTI, Philippine National Police (PNP), local na pamahalaan, Bureau of Animal Industry (BAI), National Meats Inspection Service (NMIS), at mula rin sa Food Terminal Inc. (FTI).
Sa bgayon batay sa datos ng DA, epektibo pa rin ang mga MSRP’s sa mga partikular na produkto na nasa presyong P380/kilo para sa liempo, P350/kilo para sa kasim at pigue, at P45/kilo naman para sa 5%broken ng imported premium rice.
Ayon naman kay DA Assistant Secretary for Agribussiness and Marketing Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, ipapatupad nila ngayong ang striktong enforcement at koordinasyon na rin sa mga ahensya para matiyak na alinsunod sa guidelines ng gobyerno ang mga itinakdang presyo ng mga retailers.
Samantala, nagpahayag naman ang pagsuporta ang mga lokal na pamahalaan sa inisyatibong ito ng DA at tiniyak na sususportahan nila ang naturang programa.
Kasunod naman nito ay tiniyak ni Agricultire Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na babantayan nila ang mga mamimili at producers at patuloy na magkakasa ng mga market inspections bilang bahagi ng kanilang malawak na pagsisikap na mananatiling abot-kaya ang mga produkto para sa publiko.