Nagikot ngayong araw para sa kanilang price monitoring ang Department of Agriculture kasama ang Department of Trade and Industry ngayong araw dito sa Pasig City.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay bahagya tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng Kamatis, bell pepper at sili.
Ayon kay DA Spokesperson Asec Arnel De Mesa, ang dahilan umano sa likod ng mataas na presyo ng mga natirang produkto ay dahil sa pagbaba ng produksyon sa mga ito dala ng mga nagdaang bagyo noong nakaraang taon.
Lubos kasi na napinsala ang mga yraditional farmers natin sa mga lugar ng Cagayan Valley, Bicol Region, ilang bahagi ng Centrl Luzon at CALABARZON region.
Inaasahan naman na bababa ngayong katapusan ng Enero o pagpasok ng buwan ng Pebrero ang tuluyang pagbaba ng mga presyo ng mga naturang produkto na ito sa merkado