Pormal nang lumagda sa isang kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagpapalakas ng pagiimport ng mga produktong agrikutural ng bansa gaya ng saging, mangga, seaweed at maging mga high-valued crops gaya ng kape at cacao.
Target din ng kasunduan na makilala sa international market ang mga produktong pinoy para sa mas malakas na importation ng mga ito.
Bahagi ng kolaborasyong ito ay magtatalaga ang DA ng Agri-Export Help Desk na siyang tutugon sa mga isyu at suliraning may kinalaman sa exportation ng mga naturang produkto.
Layunin din ng parehong ahensya na mapabilang sa mga global leader ang Pilipinas pagdating sa mga food exports na siyang makakapagbigay ng benepisyo sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang bahagi ng sektor pang-agrikultura.
Samantala, patuloy naman ang pamunuan ng Department of Agriculture na maayos ng sektor para makaakit ng mga strategic investments at trade promotion sa bansa na siyang malaking tulong sa mga inisyatibo ng mga naturang sektor.