-- Advertisements --

Tinalakay na ng Department of Agriculture at Japan International Cooperation Agency ang kanilang posibleng kolaborasyon na layong patatagin ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakikipag-ugnayan na sila sa naturang ahensya.

Aniya , tinalakay na ang ilang mga proyekto na may kinalaman sa post-harvest facilities sa pagbisita ng delegasyon ni Agri Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa bansang Japan.

Iniulat rin ng opisyal na sa ngayon ay natapos na ang pag-aaral sa proposal na ito.

Sa ilalim ng posibleng pagtutulungan ay bibigyang halaga ang pagkakaroon ng mga post harvest facilities para sa Palay.

Makakatulong din ito para mabigyan ng suporta ang NFA sa pagbili ng mga Palay.

Tinatayang aabot sa mahigit P11-bilyon ang magiging halaga ng proyekto habang nakatakda itong masimulan sa susunod na taon o kaya sa taong 2027.