-- Advertisements --

Sisimulan ngayong buwan ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Coconut Authority (PCA) ang pagtatanim ng 100 milyong seedlings ng puno ng niyog.

Sinabi ni PCA Chairperson at Deputy Administrator Roem Rosales, na nakipag-ugnayan na sila sa mga magsasaka kung saan doon nila kukunin ang mga punla.

Sakop ng nasabing planting at replanting project ang Mindanao at hilagang bahagi ng bansa.

Nasa P100 milyong ang inilaan na pondo para sa proyekto.

Ipinagmalaki pa nito na nakakahabol ang bansa sa kung ang pag-uusapan ay ang produksyon ng mga coconut oil.