DA at Philippine Coconut Authority, nagkasundong palakasin livestock industry ng bansa
Loops: DA, chicken, baboy, goats na kambing
Nagkasundo ang Department of Agriculture(DA) at Philippine Coconut Authority(PCA) na palakasin ang livestock program ng bansa.
Ito ay matapos pumasok sa isang kasunduan ang dalawang ahensiya para sa implementasyon ng binuong livestock program na pinunduhan ng P850 million.
Bagaman ang naturang programa ay tututok sa livestock industry, inaasahang matutulungan din dito ang mga magniniyog sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Batay sa plano, mamimigay ang DA ng mga manok, native na baboy, at mga kambing sa mga magniniyog upang kanilang aalagaan sa kanilang mga coconut farms.
Bilang kapalit ay aalagaan ito ng mga magniniyog upang mapataas ang produksyon ng karne ng baboy, kambing, at manok, habang nagpapatuloy ang kanilang pagpapataas sa produksyon ng niyog.
Ang naturang programa ay bahagi ng itinatakda ng Coconut Farmers Industry and Trust Fund Law o Republic Act 11524.
Ang pondo sa ilalim nito ay nakukuha sa ilalim ng Coconut Levy Fund kung saan ibinabalik din sa mga magniniyog sa pamamagitan ng livelihood project.