Nagpulong at nagkasundo na ang Department of Agriculture (DA) at ang mga stakeholders sa industriya ng baboy na mas gawing strikto ang implementasyon ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga ibinebentang produktong baboy sa mga pamilihan.
Ito ay matapos na magsagawa ng inspeksyon ang departamento sa ilang malalaking pamilhan sa Metro manila kung saan namataan ng mga opisyal ng ahensya ang mababang compliance ng mga retailers sa napagusapang MSRP.
Ayon kay Usecretary for Livestock Dante Palabrica, ang kasunduan ay naglalayon na maiwasan ang mas marami pang implementasyon ng mga interventions na maaaring makasira sa presyuhan ng mga basic commodities sa mga pamilihan.
Dapat din aniya na sundin ang mga itinalagang MSRP upang manatiling balanse ang kita sa pagitan ng mga producers, traders, retailers at consumers lalo na sa ibinibigay na hirap ng inflation.
Samantala, nauna na dito ay hiniling ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa pork industry na suportahan ang mga inisyatibo at planong ito ng kanilang ahensya upang maibalik ang halos 14 milyong imbentaryo ng mga baboy sa bansa bago pa naman ang naging pinsala ng African Swine Fever (ASF).